11.29.2004

Kahilingan


Sana…

1. Matapos na yung plano para sa bahay namin.
2. Totoo si Santa.
3. Mapanood ko na lahat ng DVDs na nasa kwarto ko.
4. Kumita bazaar namin.
5. Dumami trabaho ko sa opisina. (Pwera biro.)
6. May matutunan ako sa opisina.
7. Mas may social life ako…(puro tungkol sa work yung paglabas-labas ko eh.:( )
8. Maayos namin yung lesson board. (hi anna!)
9. Magkaroon ako ng pagkakataon makapag-isip para sa sarili ko.
10. Matupad kahilingan ko ngayong Pasko.

Pero buti na lang…
1. Wala masyadong pressure sa work.
2. Mabait boss ko…well, pwede na.
3. Mas may oras ako sa sarili ko.
4. Mabibigay na namin yearbook! (at makikita ko ulit college friends ko.)
5. May iba akong ginagawa liban sa arki.
6. May pag-asa ang buhay. (naks.)
7. Na-download ko na ang BK Love na super matagal ko nang hinahanap.
8. May pwede akong uwian sa Makati.
9. Masaya mga tao sa GF!:D
10. Masaya ako.

That’s all for now. Tomorrow ko na lang kwento yung bazaar. Yihee!:D