6.23.2002

Ang init sa labas. Sigh...............

It seems that nothing really significant happened in my life lately, apart from losing my ID (oh, my lifeline...) and going to a lunch gathering sponsored by Agrix, a company who made me one of their scholars, last Saturday. I have a meeting later with TFA's EB, about projects and proposals...not really exciting.

Siguro kuwento ko na lang yung nangyari sa kaibigan ko. Her story is a prayer answered. Nung nakaraang taon, nung nag-boboard pa ako sa Sikatuna, may kaibigan ako na sobrang namroblema sa lahat...pamilya, acads, lovelife. Pinakamalala yung financial problems niya. Tuwing makakausap ko siya, parang laging may bumabagabag sa kanya. Di lang halata kasi lagi siyang nagpapatawa, pero palaging ganon. Sobra din siya kung magtipid - may isang linggo, puro instant noodles lang ata yung kinain niya sa buong linggo.
Halos dumating sa punto na kinausap na ako ng landlady ko kung puwede ko ba siyang kausapin - kasi, mga ilang buwan na siyang hindi nakakabayad ng lodging fee. Nahiya akong lapitan siya kasi alam ko na marami siyang problema, lalo na sa pera. Halos inutang na lang niya ang kanyang tuition fee sa UP.
Dumating ang isang sem at umalis na rin ako sa boarding house. Paano na kaya siya? Hindi ako ng summer classes kaya wala akong balita sa kanya. Di ko nga alam kung doon pa rin siya tutuloy next sem, at di ko rin nga alam kung tutuloy siyang mag-aral next school year. Medyo 'proud' pa itong kaibigan kong ito, pero ayon sa landlady ko, nalaman niya sa tiyahin ng kaibigan ko na talagang walang-wala ang pamilya nila na halos siya, ang tiyahin, na ang nagpapakain sa kaibigan ko.
Kaya pinagdasal ko na lang yung kaibigan ko. Yun lang naman ang magagawa ko.
Dumating ang kasalukuyang school year, at nag-uuwian na ako. Pero nakikibalita rin ako kahit papaano. Isang beses, siya ang sumagot.
Siyempre excited naman ako na siya ang nakasagot. Nagkamustahan, tapos nagkwentuhan. Sabi niya, sobra pa rin siyang magtipid...pero yon ay dahil tinitipid niya ang nakukuha niya sa kanyang tiyo sa States. Ang tiyo na rin niya ang nagpapaaral sa kanya.
Nung narinig ko yon, nakahinga ako ng maluwag. Ok na ang kaibigan ko, at least nakakapag-aral na siya ngayon.