6.18.2002

At least dumating yung prof ko sa Construction, si RB Santos, at sa design, si Sir Dytoc. Though having class
wasn't exactly my idea of QT...well. At least may purpose ang aking pagpasok.

Okay naman si Sir Dytoc. Medyo eccentric, medyo weird, pero interesting enough para di ako antukin. Ewan ko
sa iba kung mga kaklase pero...anyway, he's quite a character by himself. Nung una ko siyang nakita, naalala ko kaagad
ay isang samurai warrior sa business suit. Ang kanyang pananamit ay isa lang indikasyon ng kanyang perfectionism.
Ang kanyang taste ay puwedeng masabing classy hanggang weird - sa aming first meeting, ang aming usapan ay nagmula
sa aming inaasahan sa topic studio namin (Building Science) hanggang kina Luther Vandross, Johann Sebastian Bach,
at Van Halen. At, oo nga pala. Trekkie daw siya.

Inaamin ko medyo na-intimidate ako kay Sir Dytoc. Walang shortcuts pagdating sa kanya. Sinabi na niya ang dapat
naming output sa design niya ngayong sem, at mukhang matrabaho - he's putting the premium on pure, unadulterated research output.
At hindi lang kahit anong research topic under the sun. Sa deskripsyon sa aming course, mukhang puro building technologies
ang aming tatahakin sa mga studies namin.

Pero, na-excite din naman ako sa mga sinabi niya. Panahon na upang paganahin ko utak at research brain cells ko, at pagdating
sa research topic, sobrang lawak ng puwedeng pag-aralan sa building technologies. Unchartered territory ang field na ito sa Pilipinas,
at sana maging sapat na training ground ito para sa thesis.