Tapos na first week, pero ngayon pa lang talaga nagsimula first day ng pasukan. Nagsimula na kami ng lecture sa Nat Sci II.
Medyo feeling blah pa rin. Mukha namang ok yung topic pero di pa rin ako makapaniwala na pasukan na. Siguro
mas gusto yung magkikita-kita na naman yung mga tao sa arki kaysa yung pasukan talaga. Sigh. At Nat Sci II
pa lang yon, wala pa yung arki subjects at plates. Inidyan kasi kami ni Sir Dytoc nung nakaraang biyernes,
di ko alam kung matutuwa ako o maasar kasi dapat nasa Seattle's Best ako nung panahong yon para sa meeting
namin ni Arch. Heredia imbes na naghihintay sa wala.
Given na kasi na first week, di pumapasok yung mga prof sa arki, kaya nagulat kami sa class ni Sir Dytoc nung
nag-post siya ng anawnsment na merong miting. Duh.
Back to first day. Medyo kakaiba itong first day na ito dahil kami ng batchmates ko ay seniors na - ibig sabihin,
kami na ang opisyal na 'ate' at 'kuya' sa arki. Masyadong busy ang mga 5th years sa kanilang thesis upang
maghari-harian sa arki, kaya sa amin na iyon. At isa sa mga pet projects namin ay ang pagsalubong sa mga
bagong salta sa arki...mwahahaha. Kami ang in-charge sa freshmen orientation/general assembly na gaganapin
ngayong martes...
Ang kailangan ko namang gawin, maghanda ng pagkain para sa mga freshmen naka-toka sa TFA. Pasta? Spaghetti bolognese?
Penne? Duh, wala akong alam sa pagluluto! Pero okay lang yon, ayokong isipin na problema yon. Isang trabahong kailangan ko lang
gawin.
0 Comments:
Een reactie posten
<< Home